our reality comics

ang mga adventures ni Kalabok at Anak ni Kjwan kasama ang mga kalabaw

ano ngaun?

Laman ng pahinang ito ang kaganapan ngaun.may kwenta man o wala.eka nga, anu ba ang l8est?

Nasaan?

Reality oo.pero ung ngayon? Hindi na comics.

Di ko Makita ang dating kulay mo. Magbalik ka na.

Balang araw maiintindihan mong lahat ng ito'y ginawa ko para sa’yo. Di ako nagsarado ng bintana, bagkus binuksan ko ang pinto para sa’yo.

 

Sana di masayang ang mga bagay bagay. Magaganda, para sayo at sa paligid na bigay ng Diyos. Isa kang magandang nilalang. Sa pagbalik ko, sa pagbalik mo andito parin ako. Tawagin ako, tanganan ang kamay at tay’oy lumipad.

 

posted by: anak ni kjwan

January 8, 2008

 

Isang dighay muna

kite kite at kalabok,

naisip kong maxado na tayong malayo sa totoong buhay..dulot ng liham elecktiko ang usapan lagi ay tungkol sa mga bagay na pinagkakaabalahan..

isang patalastas naman...isang hingang maluwang at dighay!

dighay sa buhay ika nga..

magisip isip:

kamusta ang araw araw na ingkwentro sa trapiko papasok ng trabaho?

kamusta ang mga kinakain sa araw araw?

kamusta ang mga bakasyon at mahal sa buhay?

kamusta ang mga bagong libangan at napasyalan?

kamusta ang darating na pasko?

cookies, kasabwat na kalabaw...tayo'y mamahinga..umidlip saglit at mangarap na ika'y nakaharap sa malawak na kalangitan...samyuin ang hangin at ngumiti sa ilalim ng sikat ng araw..

Ito'y oras sa sarili at pasasalamat sa biyaya ng Ama.

bow.

posted by: anak ni kjwan

November 9, 2007

Di Totoo Ang Babala!!!

 

Buhay pa ang mga kasangkot, nakalabas uli sa pagkakadampot!

Ang isa'y nagkukuripot, isa nama'y naghahanap ng marerekrut!

Labas na aming mga kalabaw, ang putika'y mababaw at malinaw! huh?

Anak ni Kjwan, Anak ng Tipaklong, kahit kaninong anak basta't gumugulong! Urgh!

Basta't ang nais ko lang naman sabihin, di true na bading si Piolo! Toink!

Ay! Mali pala... na di totoo ang babala ni Kjwan!

Wala na talagang kwenta, itong aking kwento!

Mabuti't tapusin na lang, dahil muntik na akong mahuli ni bossing! hahaha!

 

 

 

Posted on: Oct. 08, 2007

Posted by: Kalabak (Bored sa Opis!)

 

 

babala

ANG WEBSITE NA ITO AY MALAPIT NG MAGSARA DAHIL NAGLAHO NA ANG MGA KASANGKOT

~KJWAN

 

 

Sino ang may berthdey ngaun?!

sino pa, kundi ang nagiisa naming "kasabwat na kalabaw"----- Kite kite

may birthday ka din pala no? kala ko di nagbeberthdey ang mga lamok e.. hehehe..

posted: July 24, 2007

~ anak ni kjwan

 

12 midnight

scenario: me watching i witness

topic: Janitor fish

Janitor fish: kadalasan sa mga aquarium, kumakain ng burak,dumi at basura.

Tinukoy nito ang plaque at ang mga ilog na infested...ng nasabing mapanirang isda..biruin mo na sa isang araw may 3 truck ng isda ang nakukuha sa marikina river lamang...nabilib ako sa makamasang appeal ni Kara David ng pagsama sa mga mangigisda para manghuli, magtanggal at magbilang ng mga nahuhuling janitor fish para ibaon sa lupa.sori idol ko tlga sya e..

sa Agusan river..

Biruin mo wala pang ligo si Kara, 3 am ang gising na sya para pumalaot...nakakkalungkot na sa isang tahanan ng isang mangigisda, ang scenario ay ganito:

May pitong anak, ang asawa ay namatay sa panganganak.

Pumalaot sila..makalipas ang tangahaling tapat..3 janitor fish ang nahuli nila..umuwi syang wlang kita...
Lima sa kanyang anak ay kakain ng tiratirang ulam ang iba naman ay tiis tiis muna sa tutong..at ang bunsong anak..am na naman imbis na gatas ang dededehin..

Kinabukasan..sinuwerte at nakahuli ng 2 kilo pero maniniwala ba kayo na P10 piso lamang kada kilo ang bentahan ng dalag, Catfish at hito sa Agusan..

Naibenta ng mangigisda ang huli pero..ang nabili lang nya ay isang sachet ng Bear Brand at 1/4 kilo ng asukal,,,kaya ang kakain lang ng tangahalian ay ang bunsong anak..

Nakakalungkot pero un ang dulot ng salot na isda na kung tawagin nila'y "dimonyong itim"

Ang mga nahuhuling janitor fish ay hindi pwedeng kainin imbes ay pinapatay nila ito..ang ibay ibinabaon ang ibay iniaanod uli sa ilog..

Bumalik si kara sa Marikina upang puntahan ang sinasabing imbensyon ng mga bata sa Marikina Science Highschool..nakakbilib na sa kabila ng pinsalang dulot nito nakuha pa ng mga batang manalo ng International Award para sa mga nakakabilib na imbensyong tulad ng: dishwashing paste mula sa langis ng isda, shoe shine, wallet, sapatos at ang sikat sa lahat ang "diesel" mula sa langis ng isda,..sinasabing handang pondohan ng gobyerno ang nasabing proyekto..sana nga..

Tatlong oras ang itinatagal ng buhay ng janitor fish matapos hanguin sa ilog.at mayroong tamang pagpalo nito sa ulo upang tuluyang mamatay...naisip ko lang hindi kaya ibinabalik lang ng isang mangigisda sa agusan ang mga isda nahuhuli nya...

sa tingin nyo?


related link

posted: July 18, 2007

anak ni kjwan

Liham para sa mga Kalabaw  

Mahal kong Kalabok at Kite-kite,
 
Ako'y isa ngayong evacuee (di ko lam spelling kung tama) sa tagalog biktima.
 
oo tama.
 
akoy biktima ng sunog.pero akoy nakaligtas walang gamit na nasunog.huh biktima ba un?
well watever! ganito kasi un...
 
kahapon, uwian ko ng ng 3pm, naisipan kong hindi muna umuwi para makapagblog..maya2 nagbrownout..tas may nangamoy usok..mya mya nakatanggap na kami ng tawag na nasusunog na nga daw ang basement 2..dali daling binit bit ng opismeyt ko ung keyboard nya este ung bag nya at sapatos (napansin ko pang nakamedyas lang xa habang naglalakad kami pero di ko na lang pinansin) hehe...
 
myamya nga ay medyo..medyo lang naman..nagpanic na ang mga tao..dahil tumunog na ang alarm..at hayun heto na ang malufet na adventure!
 
kinuha ng guard ang ID namin at pinabababa na kami tapos...
 
hinarang ako!
guard: ops ops teka anu yan
ako: pedestal (cabinet na na lalagyan ng mga gamit)
guard: alam ko baket mo dala dala mo?
ako: sorry namisplace ko lang..peace tau
 
wehehe (joke lang di ko kayang buhatin un)
 
abay akalain mong akoy bumaba mula 44th floor gamit ang hagdanan! o sang ka pa! hanggang ngaun nga e masakit pa ang aking binti..
 
sa hagdanan...
 
iba't iba ang kuro kuro ng mga tao! may nagtatanungan kung ano ang papanoorin sa sine, may buntis na hirap sa pagbaba, habang ako'y pinulikat at nag hiperventilate dahil sa usok at init ( pero nakayanan ko nman).
 
Hanggang sa...nung nasa 30th floor na kami!
 
naalala namin na may kasama kaming naiwang natutulog sa fun room.."Hala si Sid" sigaw ng opsimeyt ko.ayun di namin alam kung sino sino ang tatawagan namin para pababain xa..
 
samantala...
 
patuloy kami sa pagbaba..at sa hay...(lighting) narating na nga namin ang ground floor,,,at nang....
 
kami'y nagulat sa mga sumunod na eksena!
 
wala lang. (in sad -lazy voice)
 
as usual mga usisero, mga kamera, usok, mga pabibong pulis at nagpapanggap na officer kuno ng kung anung organisasyon...
 
ayun sinalubong na kami ni Master Pio at saka kamiy naupo sa may damuhan sa may tabi ng bongavilla.at sabay sabay kaming nagtawanan.dahil wala ng pasok! hahaha,,joke dahil si pio ay bumaba ng nakabunny slippers at may dala pang mug..ahahaha..nakakatawa talaga..
 
tapos nun..dumating si bossing at nakangiting nagtanung anu okay lang kayo? san tau?
 
sabi ko : sir eto may dala ko dito
lahat: anu?
ako: headset! kasi alam mo un maabandon ung calls kailangan nating magsupport
wehehe..la lang
bossing: hindi san nga tau? showing na fantastic four e...
 
tawanan kami. tapos lakad sabay hanap ng atm machine,,ayun minalas pa..server down! ayun punta kaming starbucks pearl drive..tapos di kami makaorder...huhuhu
 
buti na lng dumating ung isa pang boss...
 
nalibre kami ng dinner.
 
kaya masaya ako ngayon
sana laging may sunog sa basement (hanngang basement lang ha bka madamay ung toothbrush ko sa pedestal e)
 
para libreng food at wla pang pasok.
 
eto ang picture ng nasusunog naming building:
 
 
edited osma
hindi ako marunong magpaint, maliit ang font kaya eto ung nakasulat:
 
from top:
arrow 1 (pointing the bldg): yan ang building namen
arrow 2: dito ang mas maraming tao at usok at mga pulispulisan
arrow 3: epal na guard
arrow 4: usiseros
arrow 5: dito kami umupo pagtapos ng sunog at dun ako nakagat ng langgam
 
~ un lang~
 
 
ang adventures ni anak ni kjwan
posted:June 15,2007
 
 

Adik... sa Noodles!!!

Location: Chowking (McKee Road, San Jose CA)

Date: Saturday, 06/09/2007 (U.S. time)

Si KALABOK... Adik sa Chicken Noodles... Adik sa Chowking!!!

NOODLESSSS PLEASEEEE!!!

Namiss kong kumain ng Chicken noodles.

Namiss kong kumain ng Chicken noodles sa Chowking.

Namiss kong kumain ng Chicken noodles sa Chowking nang may mga nagtatagalog.

Namiss kong kumain ng Chicken noodles sa Chowking nang may mga nagtatagalog at may mga mukhang noypi.

Namiss kong kumain ng Chicken noodles sa Chowking nang may mga nagtatagalog at may mga mukhang noypi, at tunay palang mga Pinoy.

Namiss kong kumain ng Chicken noodles sa Chowking nang may mga nagtatagalog at may mga mukhang noypi, at tunay palang mga Pinoy... At nakakain na nga ako uli!!! Hayyy sarap...

-=Kalabok=-

06/10/07 - 4:36 pm (Phil. time)

06/10/07 - 2:01 am (U.S. time)

 

Sa Amin

 

Doon kung saan natutunan ang pagkain ng kaning may gatas ng kalabaw at tuyo

Doon kung saan ko lamang naririnig ang kuliglig

Doon kung saan nasisilayan ko ang mga alitaptap kung gabi

 

Sa amin kung saan pinaka maganda ang sikat ng araw

Pinaka malinaw ang daloy ng tubig sa ilog

Pinaka mabagal ngunit payak ang buhay

 

Sa aming tahanan, kung saan ako’y tumatawag ng Nanay at Tatay sa aking magulang

Doon kung saan payapa ang puso

Doon kung saan ko naranasan ang pinakamasakit na pagsubok at naipamalas ang pinakamataas na uri ng kagalakan

 

Doon kung saan kasama kong naliligo ang aking mga kababata sa ulan

Doon kung saan di ako mahihiyang ipakita kung sino ako

Doon sa lugar na ako’y sumilang

 

Doon, sa amin.

Kung saan

ako ngayo’y malayo.

 

 isinulat ni anak ni kjwan

posted June 1, 2006

 

BROWNOUT...

Babala: Wala talagang kwenta to. Gusto ko lang isulat.

Pag-uwi ko dito sa San Jose nung Sabado (May 26, 2007), naisipan kong tawagan ang isa sa mga barkada kong pinagmanahan ko ng mga kalokohan sa buhay (pero d'best pa din cya pagdating dun!) Mga 4:00 am ng Linggo (Phil time), sakto kagigising lang nya. Tamang kwentuhan ng mga latest chika sa buhay-buhay namin at buhay-buhay ng kung sinu-sino. Tamang tawanan, gaguhan at kung anu-ano pang kalokohan ang nagpasaya ng pag-uusap namin, nang bigla ko syang narinig na sumigaw, "BROWNOUT!!!" na ikinagulat ko naman.

Kalabok: "Tol, bakit? Nagbrownout sa inyo? Umuulan nga pala kasi jan ano?"

Zyke: "Tol, hindi. Pangalan yan ng aso namin, tinawag ko lang."

Kalabok: "Huh? May aso na kayo? At brownout ang pangalan? Astig ah. Kelan pa?"

Zyke: "Hindi ko pa nga pala sayo nakwento c brownout ano? Brownout kasi dito nung dumating siya kaya brownout ang pangalan. Kaso tol minsan pag tinatawag ko hinihinaan ko lang, alam mo na, baka pag sinigaw ko magulat mga kapitbahay namin, lahat sila may ilaw taz sisigaw ako ng brownout di ba?"

Naisip ko lang...

Oo nga naman, bakit nga ba puro pacute ang kadalasang ipinapangalan natin sa mga pet? Kadalasan, hango sa kulay nila ang kanilang pangalan. Andyan si "Whitie", si "Brownie", si "Milky", si "Batik-batik". Andyan din namang ipangalan sa mga sikat na pangalan ng mga artista tulad na lang ng "Sandler", "KC", at pwede na rin ang "Shawie". At ang mga pangalang hindi mo maipagkakailang mga hayop nga talaga sila, kagaya na lang ng "Doggie" at "Muning".

Bakit nga ba hindi Brownout? Bakit hindi Bagyo? Bakit hindi Baha? At kung anu-ano pang kalamidad? Di kaya nama'y bakit hindi Bote? Baso? Cute din naman kapag sinabi mong, "Bote, pumunta ka sa ilalim ng lamesa!" O di ba, parang magician ang dating mo? O kaya nama'y bakit hindi Bulacan? O Avenida? O bakit hindi Milan? Na pwede ding ganito, "Come here Milan, here's your milk honey." O di ba, sosyal ka at ikaw ang pinupuntahan ng mga lugar?

Huwag ka ng kumontra! At lalong huwag kang maghanap ng moral lesson dito! Dahil umpisa pa lang, binalaan na kitang walang kwenta to. Kaya kung nakarating ka ng pagbabasa hanggang dito, no choice ka na! basahin mo na lang hanggang huli tutal konti na lang naman.

Natuwa lang ako sa barkada kong yun na napakabibo, kaya bilang pagtaguyod sa malikhain nyang pag-uutak, hindi lang sa pangyayari sa itaas kundi mas marami pa at kung minsan ay sa mga mas may kwentang aspeto ng buhay... kaya isinulat ko ito.

 

-=Kalabok=-

05/27/07 - 4:40 am (Phil. time)

05/26/07 - 1:35 pm (U.S. time)

Title: Kulay ng bahaghari

isang araw nalulumbay

438510396_7dd02ce0ac_o_edited

tumingala sa itaas

846817923403_0_ALB

yumuko sa ibaba

nag-isip at nanuri..

DSC07710

dumungaw sa bintana

nakakita ng batang bumibili ng lolipop sa tindahan

 

story

nasiyahan sa nasaksihan, natutong mangarap muli

gusto kong umakyat sa tuktok ng mundo

gusto kong tumawid sa tulay

tumingin sa kawalan, uninom sa bukal ng buhay

876740997303_0_BG

ang sabi mo pa nga ang lahat ay magkaugnay

ako'y natuwa at sumilay

ito ang buhay makulay

 

isinulat ng anak ni kjwan; larawan buhat sa mundong malawak(worldwidewed un)

posted: May 28,2007

Pasasalamat...

Gusto ko lang magbigay-pugay (bayani?) sa mga taong nakaalala ng pinakaimportanteng araw ng pagkatao ko. Pinapaalala ko lang po, May 24, Phil. time ang aking kaarawan at hindi May 24, U.S. time. Salamat ng Marami sa mga bumati dito (Noime), sa friendster at sa mga text messages na ito. Malugod ko pong isinapuso (naks!) ang inyong mga pagbati, kahit na advanced at belated ang iba, kabilang na ang bespren ko sa Baguio. Salamat tol!!!

Maraming Salamat din sa aking Ate Gracie sa pagbibigay ng Ipod Shuffle na naisipang isama sa mga plastic ng basura (napakasweet)!!! Binigyan mo ng ibang kahulugan ang pagtingin ko sa basura. Ngayon, naniniwala na ako sa kasabihang "May Grasya sa Basura!" Salamat po!!!

At syempre, sa Anak ni Kjwan para sa website na ito...

 

5/23/2007 (8:37 pm)

Happy b'day mare...! Wish u all d best m0st specialy s career n' sympre s love life m0. Gudhealth ingat k lagi jan. Fr0m me, marc n' janna. Lm k0 24 n jn ngaun eh. - JONAN

 

5/24/2007 (12:05 am)

Hi mayen ganda! (Uy nkngiti) 2manda k n nmn. Hehe. Happy happy birthday po! I wsh u ol d bst n lyf. Manlbre. Padala k dollrs pr mkpghnda km & mkpgclebrate km ng bday m. Hehehe. Sobrang miss n kta! Ingat k lagi dyan. I love you po! Pinapaalala k ang blow out. Hehehe :-*. Happy birthday po ult. God bless. - HARRIET

 

5/24/2007 (3:25 am)

Mayen,bl8d hapi bertdey!miss n kta! - MARJORIE

 

5/24/2007 (5:26 am)

Happy happy birthday tol! I wsh u n0thng but happiness! Bday m n wala p dn un gft ko! Hmp! Hehe! Love u tol! - DIANSKI

 

5/24/2007 (9:30 am)

Birthday mo dw sabi s friendster. Happy birthday! - DOVEN

 

5/24/2007 (1:09 pm)

Myen.hapi bday! Yahuuu. U cn col me..hehe..l8 nko nkapglunch.un nga lng mga 30mins m lng ako mkausp! Hehe. 0kya meya2 nlng mga 5pm?para ms mhba usapan. - KABERKZ

 

5/24/2007 (1:13 pm)

Hapi bday kalab0k! Takecre h0pe u nj0y ur day! - ANAK NI KJWAN

 

5/24/2007 (7:34 pm)

Happy happy bertday mayen!! :-) nyahaha! Pguwi m my utang k samin!! B-) hehe.. - REYNARD

 

5/24/2007 (10:25 pm)

Hapi bday mayen.wishn u d bez in lyf.stay as wat u r.mis u! - KRISTINE

 

5/24/2007 (11:07 pm)

ur jz a sm0l pArt oF Ds Big World yet U mDe A dFReNce bY bEing uRself. u mybe to0 Small & t0o little Bt u shud knw; U mde 1 s0ul breAthe easiEr bcZ U eXist! Happy Bday Mayen! - PAMEE

 

5/25/2007 (12:17 am)

Hpi bday mayen!bday m0 pla may24!hpi hpi betdey!mgpdala k nman ng cake & ice cream d2,fedex m0 n lng haha.b hpi always mayen,wish u 0l d best.muahh!mis u! =) - JEHAN

 

5/25/2007 (2:05 am)

2l, hpi bday jn seo.. Ngatz kha lgi jn... Miz u 2l... - WAPACOH

 

5/25/2007 (1:04 pm)

Ate qng mahal, hapi hapi bday. Ingat k lage. Thanx kc ngng kaibgan kta. Salamat. Trabho k mbuti ah. Hapi bday po ulit. - RYAN

 

-=Kalabok=-

05/26/07 - 1:36 am (Phil. time)

05/25/07 - 10:10 pm (U.S. time)

 

WALANG TITLE

 Isa sa mga bunga ng walang kakwenta-kwenta ngunit napakasayang pag-uutak ko... 
 
ANAK KA NG KJWAN, alam mo bang s aking pagkakaalam?
Na di BOKYO ang binigay ko, n gagamiting pangalan?
Ngunit ganun p man, gusto lng kitang malinawan...
KALABOK ang pangalan ko, paborito ko'y palabok!!!
                                                                            
Ok lang yan, ako ma'y nasisiyahan.
Sa tuwing masisilayan, itong nilalaman.
Komiks man o diary, ano man ang itawag dito.
Ang importante'y nababawasan, anumang kalungkutan.
                                                          
Hanggang dito na lang, dahil hindi ko na alam.
Kung ano ang isusunod, at ano pa ang isusulat.
Mahirap talaga, kapag wala kang talento.
Sa paggawa ng ganito, duguan ang utak ko!!!
                                                               
Pero salamat sa pagbasa, alam kong napatawa kita.
Sa mumunting paraang ito, malaki naman ang naitutulong.
Upang ang pagkakaibigan ni Kalabok at ang Anak ni Kjwan..
Ay tuluyan nang hindi maglalaho...
 
-=Kalabok=-

 05/25/07 - 8:03 am (Phil. time)

05/24/07 - 5:01 pm (U.S. time)

 

 

 

 

sino may bertdey?

suplaays!!!!

happy bertdey!

hipan na yang kendel! ahehe sabaw pala

 

posted: May 24, 2007

Create a free website at Webs.com